^

Police Metro

MMDA constable dinakip sa pangongotong

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Himas-rehas ang isang traffic constable ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nang ito ay arestuhin sa isang entrapment dahil sa pango­ngotong sa isang taxi driver naganap sa Quezon City.

Ang suspek ay  kinila­lang si Niño Membrado, 38, may-asawa, at residente sa no. 38, E. Monte de Piedad St., Brgy. Immaculate Concepcion ng lungsod na inaresto sa isinagawang entrapment operation ng mga operatiba ng QCPD Station 10, ito’y matapos humingi ng tulong ang dispatcher ng Jomalyn Taxi na si Reagan Formento hinggil sa pa­ngongotong umano nito sa kanyang driver na si Ramil Clacio, 35.

Bago nangyari ang entrapment operation dakong alas-11:30 ng gabi sa may New York St., kanto ng Denver St., Brgy. Pinagkaisahan ay hinuli ng suspek dakong alas-11:00 ng gabi si Clacio dahil sa umano’y pag­labag sa batas trapiko.

Dito ay hinihingian ng suspek si Clacio ng P6,000 para hindi matikitan, suba­lit tumawad ang huli na bumaba sa P2,500.

Tinawagan ni Clacio si Formento para ayusin ang hinihinging pera ng suspek. Dito na humingi ng tulong ang huli sa Station 10 na siyang nagsagawa ng  entrapment operation at nang abutin ng suspek ang P2,500 na marked money kay Formento ay dito na ito inaresto.

BRGY

CLACIO

DENVER ST.

DITO

FORMENTO

IMMACULATE CONCEPCION

JOMALYN TAXI

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NEW YORK ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with