^

Police Metro

Pulis patay sa tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang pulis matapos na ito ay pagbabarilin ng angkas ng motorsiklo na kung saan isang sibil­yan ang nasu­gatan nang tamaan ng ligaw na bala naganap kahapon ng umaga sa Imus City, Cavite.

Kinilala  ni Cavite Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Jonel Estomo ang nasawing biktima na si PO3 Renato Ameng, nakatalaga sa Cavite Police Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU).

Isinugod naman sa pagamutan ang biktimang si Gemma Cruz na aksidenteng tinamaan ng  ligaw na bala sa insidente.

Base sa ulat, bago naganap ang pamamaril sa biktima dakong alas-8:20 ng umaga sa Paliko Street sa panulukan ng Brgy. Paliko at General Aguinaldo Highway ay nagsasagawa ng surveillance operation sa lugar si Ameng lulan ng kaniyang Honda Civic Sedan.

Pabalik na ito sa istasyon nang tambangan at biglang sumulpot ang motorcycle riding in tandem at walang kaabo­­g-abog na pinagbabaril ito ng  angkas.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naisugod pa sa Imus Medical Center, subalit  binawian din ito ng buhay.

Sisiyasatin naman ang kuha ng CCTV sa lugar na posibleng nakahagip sa insidente.

vuukle comment

CAVITE POLICE CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

GEMMA CRUZ

GENERAL AGUINALDO HIGHWAY

HONDA CIVIC SEDAN

IMUS CITY

IMUS MEDICAL CENTER

JONEL ESTOMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with