P-Noy hindi bababa sa puwesto

MANILA, Philippines – Sa kabila ng mga pana­wagan ng ilang lider ng Simba­hang Katoliko na dapat nang bumaba sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino III ay hindi ito mangyayari.

Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., iginagalang nila ang mga saloobin ng mamamayan dahil nasa isang demokras­yang bansa kahit na taliwas ito sa posis­yon ng gobyerno.

Ayon pa kay Coloma, naninindigan ang Pa­ngulong Aquino hinggil sa pagtupad ng kanyang sinumpaang tungkulin hanggang matapos ang kanyang panunungkulan.

Magugunita na kabilang si Cebu Archbishop emeritus Ricardo Cardinal Vidal sa nanawagan kay Pangulong Aquino na bumaba sa puwesto.

Nagpulong ang National Transformation Council kung saan ay nanawagan sila kay P-Noy na magbitiw matapos ang kontrobersiya sa Mamasapano encounter na ikinasawi ng 44 mi­yembro ng Special Action Force (SAF).

Kabilang sa nanawagan nang pagbibitiw ni P-Noy ay sina Cebu Archbishop Jose Palma, Zamboanga Archbi­shop Romulo dela Cruz, Lipa Archbishop Ramon Arguelles, Bayombong (Nueva Vizcaya) Archbishop Ramon Villena, Davao Archbishop Emeritus Fernando Capalla, Naval (Biliran) Bishop Felomino Bactol.

Show comments