^

Police Metro

11 nakasalamuha ng Pinay nurse, may sintomas ng MERS-CoV…

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinakitaan umano ng sintomas ng Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV) ang 11  katao na nakasalamuha ng Pinay nurse mula Saudi Arabia.

Ito naman ang nabatid mula kay Acting Health Secretary Janette Garin kung saan sinabi nito na inoobserbahan nga­yon ang 11 sa 56 “close contacts” ng nurse na natukoy ng kagawaran. Isinailalim ang mga ito sa mga pagsusuri. 

Ang close contacts ay bukod pa sa higit 200 nakasama ng nurse sa Saudia flight 860. Binubuo ito ng mga kaanak at personnel sa Evangelista Medical Specialty Center sa San Pedro, Laguna kung saan unang isinugod ang nurse.

Nagnegatibo sa unang test ang 56 close contacts pero nagpakita ng sintomas ang 11 at batay sa direktiba ng World Health Organization, paliwanag ni Garin, kailangan silang muling kunan ng ibang samples para makumpirmang wala itong MERS-CoV.

“For a patient to be declared as negative, kung hindi siya nagpositibo, kailangan ang dalawa hanggang tatlong negative tests taken two days apart each,” ani Garin.

Nasa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na rin nga­yon ang 11.

Sa higit 200 nakasabay sa flight pabalik ng bansa, 92 na ang natunton ng DOH at pumayag ang lahat ng ito na sumailalim sa pagsusuri. 

Nananawagan ang DOH sa mga pasahero na tumawag sa DOH 711-1001 o 711-1002. Sakaling makaramdam ng sintomas, iminungka­hing magtungo sa government hospitals para sa agarang aksyon.

Sa ngayon, patuloy ang pagtutok sa kondisyon ng buntis na Pinay nurse na nagpositibo sa virus.

vuukle comment

ACTING HEALTH SECRETARY JANETTE GARIN

EVANGELISTA MEDICAL SPECIALTY CENTER

GARIN

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME CORONAVIRUS

NASA RESEARCH INSTITUTE

PINAY

SAN PEDRO

SAUDI ARABIA

TROPICAL MEDICINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with