MANILA, Philippines - Tukoy na umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang responsable sa pag-upload ng video hinggil sa pagpatay sa miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.
Sinabi ni Ronald Aguto head ng NBI Cybercrime Division, umano’y mga miyrembo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasa likod ng pag-upload ng video ng walang habas na pagpaslang sa miyembro ng SAF.
Aniya bago pa man naalis sa youtube ang nasabing video ay nakakuha na sila ng kopya nito na gagamiting ebidensiya laban sa mga suspek. Ipapadala rin ang litratong nakuha sa Department of Justice (DOJ) para masampahan ng kaukulang kaso ang mga ito.
Paliwanag ng opisyal, nilabag ng mga nag-upload ng video ang Cybercrime Prevention Act of 2012 dahil isang maselang video.