MANILA, Philippines - Isang pampublikong guro ang pinagbabaril ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Suniknipan 1, Del Gallego, Camarines Sur.
Ang nasawing biktma ay kinilalang si Jomar Rufo, nasa hustong gulang na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’ ibang bahagi ng katawan.
Batay sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi ay naglalakad ang biktima sa bisinidad ng Brgy. Sinuknipan 1, Del Gallego nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.