^

Police Metro

Video gagamiting ebidensiya sa mga pumatay sa SAF 44

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakuha ng ebidensiya ang pamahalaan laban sa nangyaring Mamasapano encounter na ikinasawi ng 44 SAF troopers matapos na kumalat sa social media video ng pagpatay sa mga SAF troopers.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na maaaring gamitin ang  video kung saan makikita na pinagbabaril hanggang sa mapatay ang  44 na miyembro  ng Special Action Force (SAF) ng mga rebelde noong E­nero 25 sa Mamasapano, Maguindanao.

Inatasan na ni De Lima ang National Bureau of Investigation  na  siyasa­ting mabuti kung  tunay ang video na kumakalat ngayon sa  mga  social networking sites.

Tiniyak ni  De Lima na may kakayahan ang Cybercrime Division ng NBI na alamin kung saan galing ang video at kung  tunay ito gayundin ang pagkaka­kilanlan ng mga bumaril at sakali aniyang  tunay ang video ay maaari itong tanggapin sa korte bilang  ebidensiya.

Binigyan diin ni  De Lima na  may ilang  regulasyon upang tanggapin ng  korte ang  ebidensiya. Kabilang na rito ang pag-trace  kung sino  ang kumuha ng video at  anong oras  ang  video.

Anya, sa ilalim ng  International Humanitarian Law,  ang mga nasabing “circumstances” tulad ng armed conflict ay hindi maaaring gawing excuse  upang  bigyan ng  hustisya ang “barbaric and cruel” acts na  labag sa batas.- Doris Franche-Borja-

 

CYBERCRIME DIVISION

DE LIMA

DORIS FRANCHE-BORJA

INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW

JUSTICE SECRETARY LEILA

MAMASAPANO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with