Lolo dedo sa puno ng mangga

MANILA, Philippines – Nauwi sa pagkamatay ang pamimitas ng isang 60-anyos na lolo sa bunga ng mangga na inakyat nito matapos na mahulog kahapon ng umaga sa Pasig City.

Namatay noon din ang biktimang si Renato Lugto, walang tiyak na tirahan  dahil sa pagkabali ng buto at pagsuka ng dugo.

Sa ulat, dakong alas-8:15 ng umaga sa KC33 Kalinsabay St., Phase 2, Barangay Manggahan, Pasig City nang akyatin ng biktima ang puno ng mangga na matatagpuan sa tabi ng isang day care center, upang pumitas ng mga bunga.

Nasaksihan ng isang Salvador Belmonte, mi­yembro ng Barangay Security Force (BSF) ang matanda at pilit na pinipitas ang bunga sa isang sanga na malayo sa kanya hanggang sa mawalan ng balanse at nahulog na nabali ang katawan sa pagbagsak.

Show comments