‘Caretaker’ patay sa riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Dedo ang isang caretaker nang barilin sa ulo ng dalawang di kilalang kalalakihan na sakay ng motorsiklo kahapon ng umaga sa Makati City.

Ang biktimang si Reynaldo Reyes, 45, nakatira sa #3902 Macabulos St., Barangay Bangkal ng naturang lungsod ay dead-on-the-spot habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Homicide Section, Makati City Police, naganap ang insidente alas-6:30 ng umaga sa naturang lugar. Kahahatid pa lamang umano ng biktima sa kanyang mga anak sa eskuwelahan nang biglang pinagbabaril ng mga suspek habang naglalakad ang una. 

Habang sinusulat ang balitang ito ay nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

Show comments