MANILA, Philippines - Nakaligtas ang nasa 25 pasahero na karamihan ay mga estudyante matapos na lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatan ng San Miguel Bay. Camarines Norte kamakalawa.
Batay sa ulat, pasado alas-7:00 ng gabi ay pumalaot ang bangka na pag-aari ni Brgy. Manguisoc Chairman Eduardo Cañarejo ng patungong sa kanilang barangay nang masira ang batangan na nag-uugnay sa katig pagdating sa gitna ng karagatan hanggang sa ito ay lumubog.
Nakaligtas sa kamatayan ang mga pasahero nang lumangoy papuntang baybayin ang isang 11-anyos na si Mica De Ang, estudyante ng San Roque Elementary School na siyang humingi ng tulong sa mga mangingisda.
Mabilis na rumesponde ang mga mangingisda at nasagip ang 25 katao na ang karamihan ay mga batang mag-aaral.