2 paslit pinatay ng nanay

MANILA, Philippines - Kalunos-lunos ang sinapit na kamatayan ang sinapit isang magkapatid na paslit na matapos pagpupukpukin ng matigas na bagay ay pagtatagain pa sila ng sarili nilang ina sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay sa isang liblib na lugar sa Brgy. Hingos, Lambunao, Iloilo kahapon.

Sa ulat nakara­ting kahapon sa Camp Crame, ang magkapatid ay nagkakaedad ng 8-anyos na batang babae at 5-anyos na batang lalaki.

Nagtamo ang magkapatid ng malalalim na sugat sa katawan at mga pasa.

Sa salaysay sa  pulisya ni Renante Lasanas, ama ng mga biktima na nagulat na lamang siya nang madatnan ang bangkay ng kaniyang mga anak sa silid.

Nakahandusay din ang misis nito na  may sugat sa leeg matapos na tangkain nitong magpakamatay at dinala ito sa pagamutan.

Narekober sa lugar ng krimen ang isang karit na posibleng ginamit ng ina sa pagpatay sa kanyang dalawang anak.

Lumilitaw naman sa inisyal na imbestigasyon na dumaranas ng ‘nervous breakdown’ ang nasabing ina kaya pinatay ang mga anak nitong paslit. 

Nakatakdang ipasuri ang  ginang  upang malaman na wala ito sa tamang pag-iisip nang gawin ang karumaldu­mal na pagpatay.

Show comments