^

Police Metro

Maliksi abswelto sa graft

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inabswelto ng Sandiganbayan 2nd  Division ang tatlong kasong graft ni dating Cavite go­vernor Erineo “Ayong” Maliksi dahilan sa kakulangan ng ebidensiya.

Batay sa record, ang unang dalawang graft case ay isinampa kay Maliksi ni Cavite Governor Juan Victor “JV” Remulla  noong August 7, 2005 noong ito ay vice Governor pa dahilan sa umanoy maano­malyang pagbili ng mga gamot na may halagang P2.5 milyon noong 2002.

Sinasabing nai-award ni Maliksi sa Allied Pharmaceutical Laboratories, Inc. na maging supplier ng gamot nang walang public bidding at walang katunayan na ang mga gamot ang may pinaka-mababang halaga noong panahong iyon.

Ang ikatlong kaso ng graft ni Maliksi ay naisampa naman dito noong September 26, 2008 nang maglaan umano ito ng kuwestyo­nableng financial assistance sa Cavite na umaabot sa P10 milyon.

Ang kasong ito ay nadismis din ng Sandiganbayan dahil sa katagalan na ng kaso na hindi man lamang nalapatan ng aksiyon ng Ombudsman.

ALLIED PHARMACEUTICAL LABORATORIES

AYONG

BATAY

CAVITE

CAVITE GOVERNOR JUAN VICTOR

ERINEO

MALIKSI

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with