12-M Pinoy walang trabaho
MANILA, Philippines – Itinuturing na pinakamataas na bilang ang 12.4 milyon Pinoy na walang trabaho simula noong Disyembre 2013.
Ito ang lumabas na resulta sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) nitong nakalipas na Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1,2014 na umabot sa 25.2 percent o 12.4 milyong Pinoy ang nanatiling jobless sa 4th quarter ng 2014 matapos tanungin ang 1,800 respondent nationwide na mas mataas kumpara sa nakalipas na Disyembre 2013 survey na 27.5 percent.
Kaugnay nito positibo naman ang mga Pilipino na makakahanap din sila ng trabaho sa taong ito kung bababa ang unemployment rate sa bansa.
Sinabi naman ng SWS na ang net optimism sa job vacancies ay tataas ng 4 percent mula sa positive 12 ay tataas ito ng positive 16 sa third quarter, subalit mananatili ang rating sa pantay na kategorya.
Ayon pa SWS na ang mabagal na pagtaas ng gross domestic product (GDP) mula sa 7.2 percent ng 2013 hanggang sa 6.1 percent ng 2014 ang nagresulta ng unemployment rate nitong 2013 at 2014.
Kinokonsedera ng SWS na ang taong may trabaho ay yung nagtatrabaho kabilang ang unpaid family members habang ang mga jobless naman ay yung mga walang trabaho, hindi nagtatrabaho kabilang dito ang housewives, estudyante at iba pa.
- Latest