^

Police Metro

Bago ituloy ang BBL, armas ng 44 SAF isoli

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isoli muna ng liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga ninakaw na baril at personal na gamit ng nasawing  44 miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) bago ituloy ang anumang uri ng peace talks kabilang na ang pagpasa sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito ang sinabi ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, chairman ng Se­nate Committee on Local Government at bukod sa pagsosoli ng mga baril ng “Fallen 4” ay tumulong din ang MILF sa paghuli sa teroristang si Basit Usman.

Anya, para magpatuloy ang pagpasa ng BBL ay dapat lamang na magpakita ng kooperasyon sa gobyerno ang MILF sa pagdakip kay Basit na pinaniniwalaang natitirang miyembro ng Jemaah Islamiya na nagtatago sa Mindanao.

Inihayag din ni Marcos, chair ng Senate Committee on Local Go­vernment na mahalaga ang kooperasyon ng MILF para malaman ang katotohanan sa nangya­ring Mamasapano massacre.

Bagaman at itinanggi na ng liderato ng MILF na nasa kampo nila si Usman, iba naman ang sinasabi ng kalaban nilang grupo na Moro National Liberation Front (MNLF) na buhay pa rin umano si Basit at maging si Zulkifli al Hir alias “Marwan”.

Matatandaan na pan­samantalang ipinagpa­liban ng komite ni Marcos ang mga nakahanay na hea­ring tungkol sa BBL matapos mapaslang ang 44 miyembro ng PNP-SAF at muling itutuloy kung magpapakita ng senyales ang MILF na nakahanda silang makipag­tulungan sa gobyerno.

BANGSAMORO BASIC LAW

BASIT

BASIT USMAN

JEMAAH ISLAMIYA

LOCAL GO

LOCAL GOVERNMENT

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with