^

Police Metro

Miriam-pwedeng kasuhan sa International Court... P-Noy tinawag na ‘commandeath in chief’

Angie dela Cruz, Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kaugnay ng pagkamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 ay itinuturing ng Kilusang Mayo Uno (KMU) si Pangulong Noynoy Aquino bilang “commandeath” in chief.

Binigyang diin ni Elmer Labog, chairperson ng KMU na sa kabila nang paghuhugas kamay ni Pangulong Aquino sa nangyaring insidente ay lumutang ang katotoha­nan na may direktang partisipasyon ang Pangulo sa palpak na operasyon sa Maguindanao.

Isinisisi rin ng KMU ang pagiging sunud-sunuran ni Aquino sa Amerika na naglagay ngayon sa alanganin hinggil sa peace talks sa Mindanao.

Sa nasabing pangyayari ay tinawag si Pa­ngulong Aquino na “commandeath in chief”  at napapanahon na umano ito na magbitiw sa kanyang pwesto.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na pwedeng kasuhan si Pa­ngulong Aquino sa International Criminal Court dahil sa “Fallen 44”.

Sinabi ni Santiago, ang military commander at iba pang superior officials na responsable sa pagpapalusob sa mga miyembro ng PNP-SAF ay maaaring maharap sa war crimes sa ilalim ng charter ng ICC na dumidinig ng kaso ng lahat ng heads of state at mga matataas na military commanders.

Iginiit ni Santiago ang prinsipyo ng “command responsibility” sa pagsasampa sa kaso laban sa mga matataas na opisyal kabilang na ang presidente.

Kahit na aniya sinong indibiduwal na naniniwalang may pananagutan ang Pangulo sa nangyari dahil sa tinatawag na command responsibility at maa­ring maghain ng kaso sa ICC na magsasagawa ng preliminary investigation kaugnay sa isyu.

AQUINO

ELMER LABOG

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

KILUSANG MAYO UNO

MAGUINDANAO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with