MANILA, Philippines - Dedo ang umano’y “hired killer” habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama nito nang makipagbarilan sa mga pulis sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.
Ang suspek na si Ace Del Mundo, 32, ng Leongson St., Barangay San Roque ng naturang lungsod ay dead-on-the spot habang nakapuga naman ang hindi kilalang kasama nito.
Sa report ng Navotas City Police, ang insidente ay naganap dakong alas-2:00 ng madaling-araw sa Oliveros St., Barangay San Roque ng naturang lungsod. Tinutugis ang mga suspek ng pulisya ngunit nanlaban umano ang mga ito na nagresulta ng pagkasawi ni Del Mundo habang tumalon naman sa katabing ilog ang kasamahan ng suspek.
Ayon sa pulisya, sinasabing hired killer ang suspek at nakuhanan rin ito ng baril.