Hostage taker tiklo: 2 paslit nasagip

MANILA, Philippines - Dalawang paslit ang nasagip  makaraan ang mga itong i-hostage ng live-in partner ng kanilang ina sa Barangay Bolong, Zamboanga City kamakalawa.

Ang suspek na si Francis Torres, 31, residente ng Sitio Calye Bisaya, Brgy. Bolong ng lungsod.

Ang mga nailigtas na biktima ay ang magkapatid na isang dalawang taong gulang at isang taong gulang na kapwa babae.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9 , dakong ala-1:30 ng hapon ng  maganap ang insidente sa nasabing lugar. Bigla na lang umanong nawala sa sarili ang suspek na armado ng itak at hinostage ang mga biktima  at ikinulong sa kuwarto.

Agad naman rumisponde ang mga operatiba ng Police Station 3 ng Zamboanga City Police. Matapos ang ilang oras ay natapos ang hostage drama matapos sunggaban ng mga otoridad ang nakalingat na suspek. 

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

Show comments