^

Police Metro

Draft ng BBL pinapabago

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iginiit ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat baguhin ang nilalaman ng draft ng  Bangsamoro Basic Law (BBL) para hindi ito lumabag sa Konstitusyon sa kabila na rin ng mga panawagan na ibasura ito matapos ang madugong pagkamatay ng 44 na mi­yembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) sa Maguindanao noong Linggo.

Sinabi ni  Pimentel, bagaman at dapat kondenahin ang nasabing pangyayari, hindi naman ito dapat maging dahilan upang isantabi na lamang at kalimutan ang peace talks.

Aniya, dapat na ma­ging “inclusive” ang nilalaman ng BBL upang hindi magkaroon ng dahilan ang ibang grupo na isiping ini-itsapuwera sila kaya itutuloy na lang ang pagrerebelde.

Una ng  ipinangako ni Senate President Franklin Drilon na isusulong pa rin ng Senado ang pagpasa ng BBL sa kabila ng sinapit ng mga miyembro ng PNP-SAF.

Magugunita naman  na ilang senador na rin ang bumawi ng kanilang suporta at pagiging co-author ng panukala sa BBL.

ANIYA

BANGSAMORO BASIC LAW

DRILON

IGINIIT

KONSTITUSYON

LINGGO

MAGUGUNITA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE SPECIAL ACTION FORCE

SENATOR AQUILINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with