MANILA, Philippines - Dedo ang isang lineman ng CASURECO (Camarines Sur Electric Cooperative nang mabundol at makaladkad pa ng rumaragasang pampasaherong bus ang minamaneho nitong tricycle sa Maharlika highway, Libmanan, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.
Ang nasawing biktima ay si Wilfredo Calisura, 43, lineman ng CASURECO 1 at residente ng Zone 5, Brgy. Bagumbayan ng bayang ito.
Ang insidente ay naganap sa kahabaan ng nasabing highway dakong alas-11 ng gabi, kung saan minamaneho ng biktima ang kanyang Suzuki tricycle (6409 EX) at bumabaybay sa nasabing highway ng suwagin ito ng kasalubong na Elavil passenger bus (TYX 418) na minamaneho ni Ronaldo Magana, 56.
Sa lakas ng pagkakabangga ay nayupi ang nasabing tricycle at nagtamo ng matinding pinsala ang biktima na nagresulta ng kanyang kamatayan. Agad naman na ikinulong ang suspek.