MANILA, Philippines - Isang pulis ang pinagbabaril habang ito ay nag-iinom sa loob ng isang videoke bar kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Francisco, Tapaz, Capiz.
Nasawi noon din ang biktimang si PO2 Rogelio Delay ng Banate Police, dahil sa tinamong tama ng bala ng cal. 45 pistol sa katawan.
Batay sa ulat, naganap ang insidente sa isang videoke bar sa Brgy. San Francisco, Tapaz, Capiz.
Lumalabas sa imbestigasyon, kasalukuyang nasa loob ng bar ang biktima na nag-iinuman kasama ang tiyuhin at tatlong anak ng kaniyang live-in partner nang magkabanggaan ang mga kasamahan ni Delay at apat na lalaking umiinom sa kabilang mesa sa naturang videoke house na nauwi sa komosyon.
Isa sa mga suspek ang bigla na lamang binunot ang nakatago nitong cal. 45 pistol at pinagbabaril ang biktima.