^

Police Metro

Panawagan ni Pope Francis vs corrupt politicians, dapat sundin

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) sa sambayanang Pilipino na sundin ang kahilingan ni Pope Francis na dumalaw sa Pilipinas kamakailan na tanggihan ang lahat ng uri ng korupsiyon.

Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, dapat na pag-isipang mabuti ng mga mamamayan  ang idiniin ng Santo Papa na pumili tayo ng mga pulitikong titiyak ng tranpormasyon sa ating lipunan.

Ang 4K na nakabase sa Quezon City ay grupong nagdemanda sa buong Manila City Council sa pagbebenta ng lote ng isang kilalang hotel sa isang kilalang business  tycoon nang walang ordinansa at nagbulgar sa isang dating police major sa Antipolo City, Rizal sa land grabbing operation nito.

“Panahon na upang pumili tayo ng mga uri ng lider na kahit nahalal sa mahahalagang tungkulin ay  hindi nakisawsaw sa mga pork barrel tulad ng PDAF at DAP at kayang magpatupad ng disiplina lalo sa mga awtoridad, pulisya man o militar,” ani Pineda.

Idinagdag pa ng 4K meron na silang ebidensiya kung sino ang nasa likod ng pandaraya sa halalan sa pamamagitan ng political operator ng E-Magic (electronic magic) na tumulong upang manalo ang maraming politikong nakaluklok ngayon.

 

ANTIPOLO CITY

AYON

E-MAGIC

IDINAGDAG

KILUSAN KONTRA KABULUKAN

MANILA CITY COUNCIL

POPE FRANCIS

QUEZON CITY

RODEL PINEDA

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with