Kampo ni Lim hindi na iaapela ang desisyon ng Supreme Court
MANILA, Philippines - Matapos na ibasura ang isinampang disqualification case laban sa dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada ay wala nang balak pa ang kampo ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na iapela ang naging desisyon ng Korte Suprema.
Sinabi niAtty. Alicia Risos-Vidal, tanggap na nila ang desisyon ng SC at iginagalang nila ang naging hatol ng mga mahistrado sa kanilang petisyon at ito na rin ang daan upang hindi na magulo ang sitwasyon lalo na ang mga taga Maynila.
Matatandaang sa botong 11-3, dinismis ng SC ang reklamo sa pagsasabing absolute pardon ang ibinigay ni dating Pangulong Gloria Arroyo kay Estrada dahilan para mabalik ang civil at political rights nito at kilalaning kandidato sa mayoralty race noong 2013.
Binigyan diin naman ni Estrada na kailangan nang kalimutan ang lahat dahil pulitika lamang ito at mas makabubuting pagtuunan ng pansin ang taga Maynila.
- Latest