^

Police Metro

Disqualification case ibinasura ng SC…. Erap di natinag sa puwesto

Pang-masa

MANILA, Philippines - Wagi si Manila Mayor Joseph Estrada at mananatiling alkalde matapos na ibasura  ng Korte Suprema ang petisyon na kumukuwestiyon sa pagkapanalo nito noong nakaraang election.

Ang petisyon ay unang inihain ni Atty. Alicia Rios-Vidal, ikinatuwiran nito na mula nang ma-convict sa kasong plunder noong 2007 at mahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dapat sana ay otomatikong diskwalipikado na ito o ibig sabihin ay wala na itong karapatang tumakbo sa anumang elected positions 

 Sa botong 11-3, nakasaad sa desisyon ng SC,  dinidismis nito ang  disqualification case dahil absolute pardon ang   ibinigay  kay Estrada ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga  Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo, kaya ibinabalik ang lahat ng karapatan nito kasama na ang political rights.

 Lubos naman ang kaligayahan ni  Estrada sa naging desisyon ng  Korte Suprema sa pagsasabing  indikasyon lamang ito  sa  pinag-aaralan ng mga mahistrado ang  dokumento at  patuloy na  pagtitiwala  ng Manilenyo sa kanya at mas dodoblehin ang serbisyo para sa mga ito.

 Nang tanungin  kung ano ang kanyang  mensahe kay dating Manila Mayor Alfredo Lim: “God Bless and more power to his retirement”,  ani Erap.

Muli ding nanindigan si Estrada na ito na ang kanyang “last hoorah” kung saan  pinauubaya na niya  kay Moreno ang   lungsod sa mga susunod na taon.

Samantala, iginagalang naman ng Malacañang  ang naging desisyon ng SC.(Doris Franche-Borja)

ALICIA RIOS-VIDAL

CONGRESSWOMAN GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

DORIS FRANCHE-BORJA

ERAP

GOD BLESS

KORTE SUPREMA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with