Senglot umawat sa mag-asawa, tepok sa bagok

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki nang mabagok ang ulo nito sa semento nang aksidenteng maitulak ng misis ng kanyang kainuman kamakalawa ng hapon sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Librado Gutierrez, helper, ng 1404 Rizal A­venue, Sta. Cruz, Manila.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon sa kanto ng Oroquieta at Remegio Sts. sa Sta. Cruz ay sinundo ng misis na nakilala lamang sa alyas ‘Nini’ ang  mister  nito na nakilala lamang sa  pangalang ‘Moro’ mula sa pakikipag-inuman nito  sa biktima.

Pinauuwi ni Nini ang mister na humantong sa pagtatalo at dito ay nakialam na ang biktima at inawat ang mag-asawa.

Naitulak ni Nini ang biktima na sa sobrang kalasingan ay bumagsak at tumama ang ulo sa baldosa na naging sanhi ng kamatayan nito.

Show comments