MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang pinatumba ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang pasabugin ang isa na transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Pikit, North Cotabato kamakalawa.
Sa ulat ni North Cotabato Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Danilo Peralta, dakong alas-8:10 ng gabi nang yanigin ng pagsabog ang NGCP Transmission Tower na matatagpuan sa Brgy. Batulawan ng nasabing lalawigan.
Lumalabas na nilagyan ng dalawang Improvised Explosive Device (IED) na gawa sa dalawang bala ng 81 MM, 9 volts battery at cellphone bilang ‘triggering device’ sa transmission tower No. 42 ng NGCP at sa lakas ng pagsabog ay nawasak ang nasabing tower.
Magugunita na noong nakalipas na Enero 13 ay nagdulot ng blackout sa Cotabato City, North Cotabato at maging sa Maguindanao nang bumagsak nang pasabugan ang tower.
Lumilitaw naman na extortion ang motibo ng pagpapasabog habang.