Cavite medical mission
MANILA, Philippines – Naghahanap sina Senator Nancy Binay, Cavite Governor Jonvic Remulla at medical volunteer group na Faces of Tomorrow (FOT), na mga batang may cleft lip/palate na nakatira sa lalawigan ng Cavite at kalapit na lugar para sa libreng surgical at dental mission simula Jan. 18-23, 2015 sa Trece Martires City, Cavite.
Nagsisimula na ang screening ng mga pasyente sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital, Trece Martires City at ito ay pinalawig hanggang Miyerkules (Enero 21).
Sa iba pang impormasyon ang sinumang partido ay maaaring tawagan si Dr. Evol Salazar mula 8 a.m. -5 p.m sa nasabing ospital o sa (046)-419-1713 hanggang 16.
- Latest