MANILA, Philippines – Malaking hadlang umano sa plano ng Diyos kung padadala sa tukso ang isang Katolikong Filipino.
Ito ang iginiit ni Pope Francis sa kanyang concluding mass kahapon sa Quirino Grandstand.
“Sometimes, when we see the troubles, difficulties and wrongs all around us, we are tempted to give up. It seems that the promises of the Gospel do not apply. But the Bible tells us that the great threat to God’s plan for us is, and always has been, the lie,” wika pa ng Santo Papa sa milyun-milyong dumalo sa misa kahapon sa Quirino Grandstand kabilang si Pangulong Benigno Aquino lll.
Sinabi pa ng Santo Papa sa kanyang sermon na huwag magpadaig sa modernong bitag na magiging balakid sa tunay na pananampalataya sa Diyos.
“The devil is the father of lies. Often he hides his snares behind the appearance of sophistication, the allure of being ‘modern’, ‘like everyone else’. He distracts us with the promise of ephemeral pleasures, superficial pastimes. And so we squander our God-given gifts by tinkering with gadgets; we squander our money on gambling and drink; we turn in on ourselves. We forget to remain focused on the things that really matter,” giit pa ng Santo Papa.
Aniya, ang mga kasalanan na taliwas sa turo ng Diyos ay ang ugat ng patuloy na kahirapan.
Inihayag ni Pope Francis sa kanyang concluding mass sa tinatayang nasa 6 milyong katao na lahat ay Anak ng Diyos.
Sinabi ng Santo Papa sa Milyun-milyong deboto ng Katoliko
Nagsagawa ng banal na misa si Pope Francis sa kapistahan ng Sto. Niño na kung saan ang bawat deboto ng dumalo sa misa ay hinimok na magdala ng imahe ni Sto. Niño.
“Throughout my visit, I have listened to you sing the song: ‘We are all God’s children.’ That is what the Sto. Niño tells us. He reminds us of our deepest identity. All of us are God’s children, members of God’s family,” wika pa ng Santo Papa.
“The image of the Holy Child Jesus accompanied the spread of the Gospel in this country from the beginning. Dressed in the robes of a king, crowned and holding the sceptre, the globe and the cross, he continues to remind us of the link between God’s Kingdom and the mystery of spiritual childhood. The Sto. Niño also reminds us of our call to spread the reign of Christ throughout the world,” dagdag pa ni Pope Francis.