Pulis dapat ipagmalaki ng kanilang pamilya
MANILA, Philippines - Panahon na para ipagmalaki ng mga kaanak ng bawat miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang magulang o asawa nilang pulis.
Ito ang sinabi ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas na hindi wastong ikahiya at sa halip ay maging ‘proud’ ang miyembro ng pamilya ng isang pulis dahil sa tungkuling ginampanan nito sa matagumpay na kampanya ng PNP kontra sa krimen sa Metro Manila.
“Masasabi po ninyo sa inyong kamag-anak, sa inyong sarili, sa inyong mga mahal sa buhay-masasabi ninyo na ang trabaho ng aking mister sa PNP suot man niya ay stripes, dahon o bulaklak o estrelya, ang trabaho ng aking mister ay nagresulta sa pagkalahati ng bilang ng krimen sa NCR,” wika ni Roxas.
Ipinagmalaki ng kalihim na dahil sa umiiral na ‘whole of PNP approach’ gamit ang formula ng Oplan Lambat-Sibat ay nabawasan nang malaki ang bilang ng most wanted person (MWP) ng pulisya.
Mula sa 440 kabuuang bilang ng most wanted na tao sa Metro Manila, police stations at police districts ay 139 MWP na ang naaresto.
- Latest