MANILA, Philippines - Maituturing na ang pagdating sa Pilipinas ni Pope Francis ay biyaya sa sambayanang Filipino.
Ito ang tahasang sinabi ni Manila Archbishoop Luis Antonio Tagle sa kanyang mensahe sa Santo Papa.
Naging tulay anya ang Santo Papa upang lalo pang palakasin ang pananampalataya sa Panginoon. Emosyonal itong nagpasalamat sa tulong na maibalik ang pagkakaisa at paniniwala sa Diyos.
Ipinagmamalaki rin ni Tagle ang Manila Cathedral na aniya’y simbulo ng katatagan ng mga Pinoy na ilang beses na pinabagsak ng kalamidad ngunit hindi pumayag na tuluyang mawasak kundi bumangon at tumayong muli.
Pagkatapos ng kanyang mensahe ay niyakap ni Tagle ang Santo Papa at dito na naging emosyonal ang Cardinal.