^

Police Metro

Yakapin ang mahihirap, mamuhay ng payak

Doris Franche-Borja, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinaluhan ng libu-libong Filipino ang u­nang misa ni Pope Francis na isinagawa sa Manila Cathedral kahapon ng umaga.

Sa buod ng   homily ni Pope Francis sa kanyang misa ay pinanawagan nito na dapat mamuhay ng simple at mahalin ang mahihirap.

Sinabi pa ni Pope Francis dapat sumalamin sa buhay ng bawat isa ang paghihirap at sakripisyo ng Panginoon.

Aniya, dapat tanggapin  ang katotohanan  ng  injustice sa bansa, subalit kailangan dapat ay magkaisa rin ang publiko kung paano ito lalabanan.

Pinasaringan din ng Santo Papa ang  mga kaparian sa sistema ng inequality o hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan at dapat na tanggapin ang lahat ang mga pagkakamali at mga kasalanan.

Ipinaalala ni Pope Francis sa mga lider ng Simbahang Katolika lalo na ang mga obispo, pari, madre at mga religious leaders ang kahalagahan ng kanilang ginagampanang mga papel.

Paulit ulit na idiniin ng Santo Papa ang salitang “constant conversion” sa mga tagapagpaabot ng mensahe ng Panginoong Hesukristo.

Kinonsensya rin ni Pope Francis ang mga lider ng relihiyon na iwaglit ang pagiging materyalismo at sa halip ay maging repleksiyon nang gawain ni Hesukristo na dapat makita at maramdaman sa mga ito ng mga taong hirap din sa buhay.

Hinamon nito ang mga relihiyoso, mga batang pari at seminarista na maging inspirasyon ng mga kabataan at pag-asa.

Ang nasabing misa ay dinaluhan ng mga obispo, pari, at madre. Habang may big screen naman sa labas ng Cathedral kung saan nanonood ang napakaraming tao.

Samantala, umabot sa 20 katao ang hinimatay sa Manila Cathedral dahil sa pag-aabang sa misa ni Pope Francis.

Ayon sa Philippine Red Cross (PRC), karamihan sa mga nahimatay ay hindi pa kumakain o kaya’y kulang sa tulog matapos mag-overnight vigil nitong Huwebes ng gabi. 

Bukas, January 18, itinakda ang misa ng Santo Papa sa Rizal Park na bubuksan sa publiko.

vuukle comment

MANILA CATHEDRAL

PANGINOONG HESUKRISTO

PHILIPPINE RED CROSS

POPE FRANCIS

RIZAL PARK

SANTO PAPA

SIMBAHANG KATOLIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with