^

Police Metro

Chief of police patay sa shootout

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasapul ng bala ang isang hepe ng pulisya ng General Mariano Alvarez, Cavite nang ito ay rumes­ponde sa isang nangyayaring indiscriminate firing ng isang grupo ng mga drug pusher naganap kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Chief Inspector Leo Angelo Llacer, dahil sa tama ng bala sa tiyan.

Batay sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi ay nakatanggap ng report ang himpilan ni Llacer hinggil sa nagaganap na indiscriminate firing  ng grupo ni Romeo Villaganas Jr. sa Brgy. Delas Alas.

Nang dumating sa lugar ay agad nagpakilala si Llacer na hepe ng pulis­ya, gayunman, isa sa mga suspek ang bigla na lamang nagpaputok sa bintana na sumapul sa tiyan ng biktima kung saan nauwi sa shootout ang insidente.

Sa kasagsagan ng putukan ay tinamaan naman ang isa sa mga suspek na kinilalang si Mando Luminog na inabandona ng mga kasamahan nitong mabilis na nagsitakas.

Nagawa pang maisugod sa De La Salle Hospital sa Dasmariñas City, Cavite ang biktima, su­balit idineklarang dead on arrival.

Nakatakas si Villaganas at ayon sa mga residente ay tinatayang nasa 3 pang suspek na sangkot sa indiscriminate firing ang nakitang sumibat sa lugar.

Nang salakayin ang bahay ni Villaganas ay nakumpiska ang mga drug paraphernalia at inaalam rin kung nasa implu­wensya ang mga ito ng droga ng mangyari ang insidente.

Nakarekober din ng samutsaring basyo ng mga bala kabilang ang M16 rifles.

Isang manhunt ope­rations ang isinasagawa ng pulisya laban sa mga suspek.

CAVITE

CHIEF INSPECTOR LEO ANGELO LLACER

DE LA SALLE HOSPITAL

DELAS ALAS

GENERAL MARIANO ALVAREZ

LLACER

MANDO LUMINOG

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with