Ginang itinumba sa harap ng tindahan

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang 50-anyos na may-ari ng isang sari-sari store nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakilalang isang lalaki na naka-bonnet sa harap ng kanyang tindahan naganap kamakalawa sa Brgy. Old Labangan, Labangan, Zamboanga del Sur.

Nasawi noon din dahil sa isang tama ng bala sa dibdib na tumagos sa likuran ang biktimang si  Julieta Gore, residente sa nasabing lugar. 

Batay sa ulat, bandang alas-7:00 ng gabi ay bigla na lamang sumulpot ang salarin sa lugar at walang kaabog-abog na binaril ang biktima.

Ayon sa mga testigo ang suspek ay nakasuot ng kulay itim na bonnet na mabilis na tumakas na sinamantala na madilim na ang paligid patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay.

Show comments