MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Justice Secretary Leila de Lima na hindi mabibigyan ng clemency ang convict na si Rolito Go.
Ito ay dahil hindi kasama ang pangalan ni Go sa kanyang mga inirekomendang pangalan ng mga preso kay Pangulong Noynoy Aquino na mabigyan ng pardon dahil kinakailangan na matatanda at may malubhang sakit na preso ang mga dapat na kandidato sa clemency na aaprubahan ngayong linggo.
Hindi naman maibigay ni de Lima ang bilang ng mabibigyan ng clemency dahil ayaw nilang pangunahan ang desisyon ni PNoy.
Gayunman, tiniyak nito na hindi ito ang huling batch ng mga preso na maaaring mabigyan ng clemency. Kailangan lamang na unti-unti ang pagsusumite ng listahan.