^

Police Metro

SC hindi naglabas ng TRO sa MRT-LRT fare hike

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa apat  na petisyon na   inihain  sa Korte Suprema na  kumukuwestiyon sa  legalidad ng  fare hike sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT)  na ipinatupad ng DOTC ng walang  anumang isinagawang  konsultasyon ay walang inilabas na temporary res­training order (TRO) ang Korte Suprema.

Ayon kay Supreme Court-Public Information Office (SC-PIO) Chief Theodore Te na napagkasunduan ng mga mahis­trado na bigyan ng 10 araw ang mga respondents na magkomento sa apat na petisyong nagpapatigil sa taas-pasaheng ipinatupad noong Enero 4.

Kabilang sa mga  res­pondents ay sina Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, LRTA Admi­nistrator Honorito Chaneco, MRT 3 Officer-in-Charge Renato San Jose, the MRT Corp. at Light Rail Manila Consortium.

Sa ilalim ng bagong  pasahe, P30  na ang  single journey sa  LRT line 1 na Baclaran-Monumento at vice versa habang  P29 naman ang  stored value tickets mula sa da­ting P20.

Ang pasahe naman sa LRT Line 2  na mula Recto sa Manila hanggang Santolan sa  Pasig at vice versa ay P25 sa single journey tickets habang P24 naman sa stored value tic­kets, na dating P15 lamang.

Nasa P28 naman  ang  mula  North Ave sa Quezon City hanggang  Taft Ave sa ilalim ng MRT 3 na dating P15 lamang ang bayad maging ito ay stored value o single journey tickets.

vuukle comment

CHIEF THEODORE TE

HONORITO CHANECO

KORTE SUPREMA

LIGHT RAIL MANILA CONSORTIUM

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVE

OFFICER-IN-CHARGE RENATO SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with