MANILA, Philippines - Namatay noon din ang dalawang lalaki nang pagbabarilin sila ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa Rodriguez Rizal, kahapon ng umaga.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Ricardo Fernandez, 30 at amain nito na si Enrique Pabas, 48 pawang residente ng barangay San Jose sa nasabing bayan.
Sa ulat dakong alas-8:10 ng umaga sa isang vulacanizing shop sa Sugbuan Road, Barangay San Jose ay nagpapa-vulcanize ng gulong ng kanilang kotse ang mga biktima nang dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo na walang plaka.
Agad na nilapitan ang dalawang biktima at walang kaabog-abog na pinagbabaril at pagbagsak ay agad na kinuha ng dalawang suspek ang backpack ng mga biktima at tumakas.