MANILA, Philippines - Handang-handa na ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) sa pagbisita ng Santo Papa sa Huwebes.
Ito ang paniniyak ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas kasabay ng pahayag na tatlong uri ng pope mobile ang ilalaan at posibleng pagpilian ni Pope Francis.
Sinabi ni Villegas sa isang forum sa University of Santo Tomas (UST) na tatlong pope mobile ang inilaan nila upang may mapagpiliang sasakyan ang Santo Papa na akma sa lugar na pupuntahan nito.