MANILA, Philippines - Balik sa selda ang ika-14 sa 16 na puganteng preso sa Cubao Police Station matapos maaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala ang suspek na si CJ Nuque, 19, na may kasong robbery at residente sa San Juan City na nadakip ng Cubao Police Station noong Sabado ng alas-3:30 ng madaling araw.
Dalawa pang pugante ang patuloy na tinutugis ng QCPD matapos na pumuga sa Cubao Police Station noong bisperas ng Bagong Taon sa pamamagitan ng paglagare sa rehas na bakal sa kisame nito.