Mister at misis natagpuang patay
MANILA, Philippines - Dala umano ng depresyon sa buhay ay nagawa ng isang mister na patayin sa saksak ang kanyang misis at pagkatapos ay nagpakamatay naman ito sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili na naganap sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City.
Ang mag-asawa ay kinilalang sina Edward Roy, business consultant; at Maritonie Roxas, kapwa 51-anyos at, residente ng no. 33 Josh Hontiveros St., BF Homes, Brgy. Holy Spirit ng lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ng anak na tinedyer ang bangkay ng ina na tadtad ng saksak sa pinto ng kuwarto.
Pinuntahan naman nito ang master’s bedroom at nakita ang bangkay ng tatay na may tama ng bala sa dibdib.
Sa salaysay ng anak sa pulisya na bago nangyari ang krimen ay ilang araw nang nakakaranas ng emotional stress ang kanyang tatay at hindi ito nagbigay pa ng ibang detalye kaugnay.
- Latest