^

Police Metro

19 oras itinagal ng parada... 1 pang deboto nasawi sa traslacion

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ng isa ang namatay sa traslacion ng Itim na Poong Nazareno matapos na isang deboto ang natapakan habang ipinapasok sa Simbahan ng Quiapo ang imahe kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang biktimang si Christian Mel Lim, 18, ng no. 1926 Anakbayan St. Malate, Maynila na natagpuang  walang  malay sa entrance gate bago pa ang main door ng nasabing simbahan ng mga volunteer ng Philippine Red Cross.

Ayon sa PRC vo­lun­­teer na si Ampie Galpo, na binuhat nila ang biktima at dinala sa kanilang station booth at dito ay napuna na wala nang vital signs kaya’t dinala nila ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) na kung saan ay idineklara itong dead-on-arrival.

Napuna na ang katawan ng biktima ay puno ng mga galos at may mga bakat ng mga paa ang damit nito na may indikasyong natapak-tapa­kan ito ng mga debotong sumama sa traslacion.

Una nang nasawi ang 43-anyos na si Renato Gurion na miyembro ng Hijos Del Nazareno matapos atakehin sa puso habang nasa ibabaw ng andas noong  Biyernes ng umaga matapos maipit ng mga tao na umaakyat para humalik sa imahe.

Samantala, mahigit 19-oras ang itinagal ng traslacion ng Itim na Nazareno at alas-3:41 kahapon ng madaling araw nang tuluyang maibalik sa Quiapo Church ang andas na umalis dakong alas-8:15 ng umaga noong Biyernes sa Quirino Grandstand.

Maghapong naging mabagal ang usad ng prusisyon dahil sa mil­yun-milyong debotong nakaabang, nagpapasan at nagpipilit makaakyat sa andas na kinaroroonan ng imahen. Sa higit 19 na oras na traslacion ay may namatay sina Gurion at Lim at mahigit 1,000 ang nabigyan ng atensyong medikal.

AMPIE GALPO

ANAKBAYAN ST. MALATE

BIYERNES

CHRISTIAN MEL LIM

HIJOS DEL NAZARENO

ITIM

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

PHILIPPINE RED CROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with