MANILA, Philippines - Sa tapat ng isang simbahan binaril at napatay ang isang barangay kagawad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nasawi habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Joselito Cleopas, 45, ng Barangay 166 at residente ng Brgy. Kaybiga.
Batay sa ulat, dakong alas-6:25 ng umaga ay nasa tapat ng simbahan ng Sacred Heart sa Gen. Luis St., Kaybiga ng naturang lungsod ang biktima nang lapitan ng suspek at walang kaabog-abog na binaril ito.
Nang tumumba ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.