Libong sundalo ipadadala sa Sinulog Festival

MANILA, Philippines - Mistulang giyera ang pupuntahan ng nasa 7,300 sundalo matapos na sila ay ipadala ng AFP-Central Command (Centcom) upang magbigay seguridad sa Sinulog Festival na magaganap sa susunod na linggo sa Cebu City.

Partikular na tutukan ng security forces ng military ang fluvial at foot procession sa Enero 17 at ang Sinulog Grand Parade sa kapiyestahan ng Sinulog sa Enero 18.

Ayon kay AFP Centcom Spokesman Lt. Commander Jim Aris simula pa noong Disyembre ay masusi nang nakikipagkoordinasyon ang Sinulog Foundation Inc. sa kanilang command para sa  pagpapanatili ng peace and order sa nasabing makasaysayang okasyon.

Ang 7,300 sundalo na ide-deploy sa Sinulog Festival ay bubuuin ng dalawang Task Units sa ilalim ng Joint Task Group Sinulog.

Ang Task Unit Sto. Niño ay siyang mangangasiwa sa pagkontrol sa mga daragsang deboto sa ‘fluvial procession  mula sa Ouano wharf sa Mandaue City patungo sa Pier 1 ng Cebu  City at maging sa prusisyon ng imahe ng Sr. Sto. Niño sa Enero 17 habang ang Task Unit Grand Parade ay siya namang mangangasiwa sa ‘crowd control’ sa Sinulog Grand Parade may anim na kilometro sa carousel route ng Sinulog Grand Parade  sa Enero 18 naman araw ng linggo.

Show comments