Sundalo utas sa trak

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang tauhan ng Philippine Air Force (PAF) matapos na  bumangga ang minamanehong motorsiklo sa rumaragasang truck sa kahabaan ng Brgy. Tetuan sa Zamboanga City kamakalawa.

Ang nasawi dahil pin­salang natamo sa kata­wan ay kinilalang si Air­man 2nd Class Edmar Angeles, 24, kasapi ng 530th Air Battalion Wing.

Batay sa ulat, dakong ala-1:10 ng hapon habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Don Toribio Street, Brgy. Tetuan ng lungsod nang makasalubong at mabangga ng rumaragasang M35 truck ng Task Force Zamboanga Peacemaker na minamaneho naman ni Sgt. Pasik Sisam ng Philippine Army.

Tumilapon sa kanyang motorsiklo ang biktima na nagawa pang maisugod sa pagamutan, subalit namatay din ito habang ang driver ng M35 truck ay sumuko at kinasuhan na.

Show comments