^

Police Metro

Special permit sa passenger buses para sa Papal visit

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magbibigay ang pamunuan ng Land Transpor­ta-tion Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng special permit para sa mga passenger buses na maghahatid-sundo sa panahon ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa mula Enero 15 hanggang Enero 19.

Ito ang naging sagot ni LTFRB Chairman Wins­ton Gines sa kahilingan ni MMDA Chairman Francis Tolentino na madagdagan ang bilang ng mga bus na maghahatid-sundo sa mga pasahero mula probinsiya at mula sa ibang lugar ng Metro Manila na papuntang Maynila para puntahan ang Papa.

Nasa P250.00 per unit ang bayad sa bawat special permit ng mga passenger bus para sa Papal visit.

Sinabi rin ni Gines na sa Papal visit ay sususpin­dihin ang ruta ng mga bus na dadaan sa NAIA tulad ng mga bus na may biyaheng Tramo, Parañaque sa panahon ng pagdating ng Papa at sa panahon ng pag-alis nito sa bansa.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHAIRMAN WINS

ENERO

FRANCHISING REGULATORY BOARD

GINES

LAND TRANSPOR

METRO MANILA

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with