MANILA, Philippines - Ibinunton ng Malacanang ang paninisi sa mga biktima ng HIV/AIDS kaya patuloy ang mabilis na pagtaas ng kaso nito ay dahil sa pagkabigo na mag-practice ng “safe sex”.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi maaaring sisihin ang gobyerno dahil hindi naman ito nagpabaya sa pagpapatupad ng kampanya laban sa HIV/AIDS.
Aniya, inulit ng Department of Health na tumaas sa humigit kumulang 500 katao ang nahawaan ng HIV, kabilang ang 40 kaso ng AIDS sa loob lang ng isang buwan noong 2014.
Binigyang-diin pa ni Lacierda na naitala ng National Epidemiology Center ng DOH ang may 5,502 Filipino ang positibo sa HIV/AIDS simula Enero hanggang Nobyembre 2014, habang sampu sa HIV patients ay namatay.
“We have always stated there are measures undertaken to ensure the prevention of HIV. Unfortunately, those who engage in certain activities, some of them don’t seem to follow the safe way of doing it. But hindi ho tayo nagkukulang sa kampanya against HIV,” dagdag pa ni Lacierda.