^

Police Metro

Hindi kasi nagpraktis ng ‘safe-sex’… Malacañang sinisi ang mga biktima ng AIDS

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinunton ng Malacanang ang paninisi sa mga biktima ng HIV/AIDS kaya patuloy ang mabilis na pagtaas  ng kaso  nito ay dahil sa pagkabigo na mag-practice ng “safe sex”.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi maaaring sisihin ang gobyerno dahil hindi naman ito nagpabaya sa pagpapatupad ng kampan­ya  laban sa HIV/AIDS.

Aniya, inulit ng Department of Health na tumaas sa humigit kumulang 500 katao ang nahawaan ng HIV, kabilang ang 40 kaso ng AIDS sa loob lang ng isang buwan noong 2014.

Binigyang-diin pa ni Lacierda na  naitala ng National Epidemiology Center ng DOH ang may 5,502 Filipino ang positibo sa HIV/AIDS simula  E­nero hanggang Nobyembre 2014, habang sampu sa HIV patients ay namatay.

“We have always stated there are measures underta­ken to ensure the prevention of HIV. Unfortunately, those who engage in certain activities, some of them don’t seem to follow the safe way of doing it. But hindi ho tayo nagkukulang sa kampanya against HIV,” dagdag pa ni Lacierda.

ANIYA

AYON

BINIGYANG

DEPARTMENT OF HEALTH

HIV

IBINUNTON

LACIERDA

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with