MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isang 35-anyos na magsasaka nang ito ay bistayin ng bala ng hindi pa nakilalang mga suspek habang pauwi sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Banuangan, Godod, Zamboangaaa del Norte.
Ang nasawi ay kinilalang si Mhalidin Jamil, may-asawa, nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Batay sa ulat, dakong alas-9:15 ng gabi habang ang biktima ay pauwi sa kanilang bahay sa Brgy.Banuangan, Godod ng nasabing lalawigan galing sa pagi-igib ng tubig nang paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin.
Narekober ng mga nagrespondeng elemento ng pulisya sa crime scene ang pitong basyo ng bala sa lugar.