MANILA, Philippines – Iniulat ni Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Supt. Wilben Mayor na umabot na sa 61 katao ang naging biktima ng ligaw na bala sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa nasabing bilang nagtala ng 18 sa Metrp Manila; 4 sa Police Regional Police Office-1; 3 sa PRO-1; 7 sa PRO-4A; 1sa PRO-5; 13 sa PRO-6; 1 sa PRO7-1; 4 sa PRO8; 1 sa PRO9; 1 sa PRO-12 at 7 sa PRO-Cordillera na mas mataas kaysa 30 insidente na naitala sa pagsalubong sa Bagong Taon ng 2013.
Iniulat din na isa ang nasawi sa stray bullet na nangyari sa may PRO-Cordillera na kung saan ay may 24 na insidente ng pagpapaputok ng baril habang sa 17 katao dito ay kabilang ang pitong pulis, apat na security guards, at anim na sibilyan.
Ang pitong pulis ay mahaharap sa kasong adminisratibo at ang maximum na kaparusahan ay pagkakasibak sa kanyang serbisyo at mahaharap pa sa kasong kriminal.