Sunog uli sa QC: 9 bahay naabo

MANILA, Philippines – Muli na namang sumiklab ang sunog sa Quezon City na lumamon ng may siyam na bahay at pu­minsala ng halagang P200,000, ari-arian kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, dakong ala-1:20 ng mada­ling araw nang maganap ang sunog sa may Anak Bayan St., Brgy. Paltok na umano ay
nagsimula sa inookopahang bahay ng isang Jimmy Lana, 60 na umano’y gumagamit ng kandila dahil sa walang kuryente.

Dahil gawa lamang sa light materials ang bahay, mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa tuluyang madamay ang kalapit bahay nito.

Humigit kumulang na isang oras bago tuluyang naapula ang apoy na walang naiulat na nasaktan o nasawi.

Show comments