Dedo sa masamang biro

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang isang truck helper ng kasama nito na napikon  sa biro ng una habang sila ay nag-iinuman kahapon sa Pasay City.

Ang nasawi dahil sa saksak sa sikmura ay kinila­lang si Prince Carlo De Leon, 24, ng  #80 M. Cornejo St.,  Malibay, Barangay 161,  Zone 17.

Ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si Reynante Teves, 28, binata, at nakatira din sa natu­rang lugar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-3:15 ng madaling araw sa loob ng Chua Compound na matatagpuan sa Cornejo St., Malibay ay magkasamang nag-iinuman ang dalawa at dito ay biniro ng biktima ang suspek na hindi nagustuhan.

Nagtalo ang dalawa hanggang sa kinuha ng suspek ang dalang ice pick at sinaksak sa sikmura ang biktima. - Lordeth Bonilla-

 

Show comments