^

Police Metro

Fare hike sa LRT at MRT walang balakid

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. na walang nakikitang bala­kid ang gobyerno sa ipapatupad na fare hike sa MRT at LRT simula sa Enero 4 dahil sa kasalukuyan ay walang ipinalabas na anumang kautusan ang hukuman upang pigilan ang nakatakdang pagtataas sa pasahe.

Naunang inanunsiyo ni DOTC Sec. Jun Abaya na magiging P30 na ang pasahe sa LRT 1 mula Monumento-Baclaran na dati ay P15 habang ang pasahe sa LRT 2 naman ay magiging P25 mula sa dating P15 na mula Recto hanggang Santolan at magiging P28 na ang pasahe sa MRT 3 mula North Ave. hanggang Taft Ave.

Iminungkahi naman ni Valenzuela City Rep.Sherwin Gatchalian sa gobyerno na suspendihin muna ang fare hike dahil  dapat na ipakita muna ng gobyerno sa publiko ang magandang serbisyo bago magtaas ng pasahe.

Hindi umano ma­ka­twiran na papasan ng dag­dag gastos ang publiko sa serbisyong madalas namang nadidiskaril dahil sa mga nasirang pasilidad. - Rudy Andal, Gemma Garcia-

ENERO

GEMMA GARCIA

HERMINIO COLOMA JR.

JUN ABAYA

NORTH AVE

RUDY ANDAL

SHERWIN GATCHALIAN

TAFT AVE

VALENZUELA CITY REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with